Thursday, August 7, 2014

Mga Lugar Na Dapat Puntahan Sa Asya

Magandang araw! Andito kami ngayon para ibigay sa inyo ang listahan ng mga lugar na dapat niyong puntahan sa Asya. Ang mga ito ay pinili ng mabuti, kaya't ano pang hinihintay niyo? Basa na!

Timog-Silangang Asya:

Unahin muna natin ang Timog-Silangang Asya. Kahit maraming mga arkipelago dito, hindi lamang mga baybayin at isla ang mga paunahing atraksyon ng mga bansa dito. Simulan natin ang listahan natin sa...

1. Cambodia - Angkor Thom

Imahe ng South Gate ng Angkor Thom

Ang Angkor Thom ay isa sa mga pinakalumang mga lungsod na matatagpuan sa Cambodia. Halos 900 na taon na ang lumipas ng ito ay ginawa. Marami sa mga paglililok dito ay nananatiling tumatayo pa rin.

Imahe ng loob ng Angkor Temple

Dahil sa kalumaan ng iilan sa mga bahaging ito, tumubo na ang mga ugat ng mga matatandang puno sa mga istruktura ng Angkor Temple na matatagpuan dito.


Imahe ng mga panlililok ng mga sinaunang Cambodians

2. Malaysia - Petronas Twin Towers

Imahe ng Petronas Twin Towers

Ang Petronas Twin Towers ay isa sa mga pinakamatangkad ng gusali ngayon sa buong mundo. Simula noong 1998, ang Petronas ay ang pinakamatangkad na gusali ngayon sa mundo, pero ito ay nalampasan ng Taipei 101 noong 2004 na matatagpuan sa Taiwan. Ang Petronas Twin Towers ay mayroong 88 na floors na dinadagdagan ng 5 basement floors sa ilalim ng gusali.

Imahe ng loob ng isa sa mga Petronas Tower

Maraming mga layunin ang Petronas Twin Towers. Ilan sa mga ito ay ang pagiging lugar para sa mga business na site, commercial na area, kagaya ng makikita niyo sa larawan at iba pa. Ang 2 gusali ay mayroong tulay kung saan pwede kang dumaan kung gusto mong pumunta sa kabilang bahagi ng gusali.

3. Singapore - Merlion Park

Imahe ng Merlion

Ang Merlion Park ay isang maliit lamang na bahagi ng Singapore, ngunit maraming mga turista ang pumupunta dito. Ito ay ideal na puntahan, dahil maraming pang ibang mga tourist spots ang makikita sa tabi nito, katulad ng Marina Bay Sands.

Imahe ng Merlion na kasama ang Marina Bay Sands

Ang mga lugar na ito ay posibleng mapuntahan sa ilang oras lamang, dahil sa liit ng Singapore. At kung kayo ay magugutom sa biyahe, maraming mga sea-side na kainan na malapit lamang.


At dahil tapos na tayo sa Timog-Silangang Asya, simulan naman natin ang listahan sa Silangang Asya!

Silangang Asya:

1. Japan - Mount Fuji

Imahe ng Mt. Fuji

Ang Mt. Fuji ay isa sa mga popular na tourist sites sa Japan. Ang Mt. Fuji ay hinahangaan dahil sa kanyang magandang cone shape na hugis. Ito ay ang pinaka-climbed mountain sa buong mundo na nagkakaroon ng 100,000 na bisita kada taon. 30% sa mga bisitang ito ay mga taga-ibang bansa, habang ang iba naman ay mga hapones.

Ang opisyal na season kung kelan kang pwedeng umakyat ay nagmumula sa mga buwan ng Hulyo hanggang Agosto, kung kelan ang kalagayan ng panahon ay maayos at natunaw na ang mga yelo sa tuktok ng bundok.

2. South Korea - Jeju Island/Jeju Province


Imahe ng baybayin ng Jeju Island

Ang Jeju Island ay isang maliit na isla na matatagpuan sa tabi ng South Korea. Maraming mga pwedeng puntahan mismo sa loob ng probinsya, dahil maraming mga natural sites at marami ring mga magagandang resort na matatagpuan dito.


Imahe ng Jeju Hills Hotel Resort

Ito ay isa lamang sa mga resort na matatagpuan dito sa Jeju Island. At kapag gusto niyo munang lumayo sa mga modernong lugar, pwede kayong pumunta sa ibang bahagi ng isla katulad ng...

Imahe ng Cheonjiyeon Waterfall

Cheonjiyeon Waterfall, at marami pang iba.

3. China - Great Wall of China

Imahe ng Great Wall of China

Ang Great Wall of China ay isa sa mga pinakasikat na pasyalan sa buong mundo. Ang mahabang pader na ito ay ginawa para maprotektahan ang mga taga-Tsina galing sa mga atake ng mga ibang bansa at nasyon. Ito ay may haba ng 21,000km pahaba. Dahil sa haba nito, pwede itong makita ng ating mga mata sa low Earth orbit na nasa altitud ng 160km.

Imahe ng Great Wall of China sa low Earth orbit

Timog Asya

1. India - Taj Mahal


Imahe ng Taj Mahal

Ang Taj Mahal ay isa sa mga pinakapreserbadong mga istruktura. Kahit na ginawa pa ito noong 16th century, napakaayos pa rin ng lagay nito. Maraming mga tourist guide ang nandoon. Pero paalala lamang, maraming mga diskartidor doon banda, at pwede kang maloko sa mga krimen.

2. Sri Lanka - Yala National Park


Imahe ng Elepante sa loob ng Park

Ang Yala National Park ay matatagpuan sa Sri Lanka. Kung gusto mo namang makita ang mga wildlife ng Asya, ito ang dapat mong puntahan. Maraming mga hayop ang matatagpuan dito. Mayroong mga tigre, iba't-ibang uri ng unggoy, ibon, mga peacock at iba pa. At kung napagod ka at gusto mong kumain, pwede kang kumain sa ilog mismo.


Imahe ng ilog sa Yala National Park

3. India - Lotus Temple


 Imahe ng labas ng Lotus Temple

Ito pa ay isang destinasyon na matatagpuan sa India. Ang Lotus Temple ay isang place of worship. Ang istruktura nito ay halos parehas sa Sydney Opera House na matatagpuan sa Australia.


Imahe ng loob ng Lotus Temple

Ang loob ng Lotus Temple ay parang isang simbahan. Kahit ikaw ay Kristyano, Hindu, Muslim o kahit ano pa, pwede ka ditong bumisita at magdasal. Ang temple na ito ay para sa kahit anong relihiyon, at ito ay lugar na kung saan pwede kang sumamba sa Diyos na walang limitasyon katulad ng relihiyon mo.

Hilagang Asya:

1. Russia - St. Basil's Cathedral


Imahe ng labas ng St. Basil's Cathedral

Ang St. Basil's Cathedral ay matatagpuan sa Moscow, Russia. Ito ay naging simbahan noon, ngunit ito ay ginawang museo. Ang opisyal ng pangalan nito ay "Cathedral of the Intercession of the Most Holy Theotokos on the Moat". Ito rin ay preserbado, dahil ito ay nagawa pa noong ika-14 na siglo at ito ay tumatayo pa.


Imahe ng loob ng St. Basil's Cathedral

Ito ay isang bahagi lamang ng St. Basil's Cathedral. Napakalawak ng loob nito.

2. Russia - Winter Palace


Imahe ng labas ng Winter Palace

Ang Winter Palace ng Russia ay naging tahanan dati ng mga hari, reyna, at ng mga emperador noong ika-18 hanggang ika-20 na siglo.

Imahe ng Winter Palace kapag gabi

Maraming mga bagay na nangyari dito sa loob ng Winter Palace. Mayroon pa ngang massacre na naganap dito noong 1905 na tinatawag na "Bloody Sunday"


Imahe ng loob ng Winter Palace

Ang Winter Palace ang simbolo ng lakas ng Imperial Russia noon. Ito ay mayroong 1,500 na kwarto.

3. Russia - Ostankino Tower


Imahe ng Ostankino Tower


Ang Ostankino Tower ay isa sa mga pinakamataas na struktura sa buong mundo. Ito rin ay naging Tallest Building In The World noong 1967 hanggang 1976.

Imahe ng Observation Deck ng Ostankino Tower

Ito ay nilampasan ng Empire State Building sa Estados Unidos noong 1976 bilang Tallest Building In The World. Ang Ostankino Tower ay ginagamit bilang TV at Radio Station para sa mga naninirahan sa Russia.

Gitnang Asya:

1. Turkmenistan - Nisa

Imahe ng Nisa

Ang Nisa ay isa sa mga Ancient City na matatagpuan sa Turkmenistan. Ito ay tinirhan ng mga Parthians noong 200 BC. Ito ay nasira dahil sa malakas na lindol na nangyari noong ika-1 siglo, ngunit ito ay tumatayo pa rin. Ito ay ginawang UNESCO World Heritage Site noong 2007.

2. Kazakhstan - Palace of Peace and Reconciliation


Imahe ng Palace of Peace and Reconciliation

Ang Palace of Peace and Reconciliation, o "Palace of Peace," ay matatagpuan sa Kazakhstan.

Imahe ng loob ng Palace of Peace

Ang Palace of Peace ay ang simbolo ng diwa ng Kazakhstan, kung saan nagiisa ang mga iba't-ibang kultura, tradisyon at kinatawan sa bansa.

3. Uzbekistan - Ark of Bukhara

Imahe ng Ark of Bukhara

Ang Ark of Bukhara ay tinatawag ring "The Ark". Ito ay isang malaking tanggulan. Ito ay naging strukturang militar para sa Bukhara, at ito rin ay naging sambayanan.


Imahe ng loob ng Ark of Bukhara

Hindi na ito ginagamit bilang strukturang militar. Ngunit, mayroong mga museo na matatagpuan sa loob na nagpapaliwanag sa kasaysayan ng lugar na ito.

Kanlurang Asya:

1. Turkey - Pamukkale



Imahe ng Pamukkale

Ang Pamukkale ng Turkey ay isang napakagandang tanawin. Ito ay mukhang terraces na may malinis na tubig. Ang tubig na ito ay pwedeng pagliguan.


Imahe ng mga tao na naliligo sa Pamukkale

Mukhang niyebe ang lupa nito, ngunit ito talaga ay Travertine, isang uri ng limestone na makikita rin sa mga ibang hot springs.

2. Iran - Takht-e Soleymān


Imahe ng Takht-e Soleymān

Ang Takht-e Soleymān ay matatagpuan sa Iran. Ito rin ay tinirhan ng mga unang Parthians. Ayon sa mga alamat, si King Solomon ay nagbilanggo ng mga halimaw sa crater na matatagpuan dito.


Imahe ng loob ng Takht-e Soleymān

Ito rin ay naging lungsod noon para sa mga unang nanirahan dito.

3. Azerbaijan - Palace of the Shirvanshahs

Imahe ng Palace of the Shirvanshahs

Ang palasyong ito ay lungsod para sa unang naghari nito na si Ibrahim I ng Shirvan. Ginawa ito dahil sa malakas na lindol na naganap sa dati nilang lungsod.

Imahe ng Palace of the Shirvanshahs kapag gabi

Ito rin ay mayroong bantayog, libingan at museo sa loob.


At iyan na ang katapusan ng ating listahan! Sana ay nagenjoy kayo sa aming blog! At kapag kailangan niyo ng pupuntahan sa bakasyon, tumingin lang uli kayo dito! Paalam! :)

Tuesday, August 5, 2014

Ang Aming Blog


Magandang araw! Kami ay mga mag-aaral mula sa 8B Gandhi. Ito ang aming travel blog. Sa blog na ito, magbibigay kami ng iba't-ibang mga impormasyon tungkol sa Asya. Sisipagin namin ang aming paglikha ng mga post upang kayo ay masayahan at mapaliwanagan tungkol sa Asya.


Test

qwerty